Married To My BFF

CVR-CAll Rights Reserved

Synopsis

Isang ulirang best friend ang papel ni Patricia sa buhay ni Drew. Sa tuwing may problema ang lalaki sa mga chicks nito ay to-the-rescue agad siya. Ganoon lagi ang role niya hanggang sa isang araw na bigla siyang naging aware sa napakaguwapong mukha ng binata at sa napaka-‘yummy’ nitong katawan.

Napasok sila sa isang sitwasyon kung saan kailangan nilang magpakasal. Subalit hindi panghabambuhay ang magiging pagsasama nila.

Kailangan niyang magkaroon ng sort of ‘hard copy’ ng masasayang sandali ng buhay niya kasama ang lalaking iniibig. She wanted something tangible… something alive. She wanted to have Drew’s baby.

Pero paano?

Teaser

The word slipped out of Patricia’s mouth like running water. Nang marinig niya ang alok ni Drew ay nabuo na kaagad ang sagot sa kanyang puso hindi pa man iyon na-a-analyze ng kanyang utak.
Will I marry him? Damn it, yes! Ano ba namang klaseng tanong iyan? Mahal niya ang binata at buong puso niya itong tatanggapin sa buhay niya. Noon pa man, bago niya napagtanto ang totoong damdamin para sa kaibigan ay nais na niyang pakasalan ito. Ngayon pa kaya na sangkot na ang kanyang puso?
“Thank God! You’re a life saver, Pachie!” bulalas nito, tila nakahinga nang maluwag. Kinabig siya nito at mahigpit na niyakap.
Her heart pounded crazily. She was already twenty-six years old. Hindi niya akalaing sa ganoong edad ay saka niya pa lang mararamdaman ang tinatawag nilang kilig at sa best friend pa niya.
“Don’t worry. Hindi ka naman matatali sa ’kin habang-buhay. Pagkatapos kong makuha ang posisyon ay ipapawalambisa natin ang kasal,” masiglang saad ni Drew.
Nasira ang musikang humaharana sa puso niya nang mga oras na iyon. Napalitan iyon ng sirang plakang nakaririndi ang ingay. He is only using me. “Ano ang ibig mong sabihin? Are you going to use me?”
“It may sound harsh, Pachie, but yes.”
It pained her. Ganito pala ang sinasabi nilang heartache. It sounded so simple pero iba pala kung tumama, mabagsik at walang patawad. Tumayo siya para iwan ang kaibigan, ngunit bago niya magawa iyon ay nahawakan na ni Drew ang kamay niya.
“Let me explain, Pachie. Gusto ni Lola Leonora na pakasalan kita. Iyon ang kondisyon niya para i-turn over sa akin ang pagiging CEO and President ng kompanya. Sinubukan kong huwag siyang sundin subalit matigas din siya. Magkakaroon ng meeting bukas at nais niyang naroon ang bise presidente. Alam kong ibibigay niya rito ang posisyon sakaling patuloy akong magmatigas. Hindi ako makapapayag na mangyari ’yon, Pachie. Please help me.”
Naglaho na parang bula ang mga hinanakit na nadarama ng dalaga. Lalo pa at ramdam niya ang paghihirap ng kalooban ng kausap. Gusto niyang haplusin ang pisngi nito and tell him that everything was going to be all right. Hindi niya namalayang kusa na palang umangat ang kanyang kamay at ngayon ay masuyong humahaplos sa pisngi ng binata.
“Ah… Pach… What are you doing?” He was looking at her as though she was a case of unsolved crime.
“H-ha?” Napatingin siya sa kamay na nakalapat pa rin sa pisngi nito.
“May crush ka ba sa akin?”
Namilog ang kanyang mga mata. “Crush? Ang feeler mo, ah!”
“Kung wala, bakit mo hinahaplos ang pisngi ko?”
“D-dahil may dumi ka sa mukha!” hiyaw niya, sabay bawi sa kamay.
Ilang ulit siyang huminga nang malalim at nag-alis ng bara sa lalamunan. Hindi niya alam kung paano at kung saan magsisimula. Nagulat na lamang siya nang malakas na lumanding ang palad ng dalaga sa batok niya.
“Para kang tanga. Daig mo pa ang babaeng di mairi, ah. Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?”
Minsan talaga nais na niyang mapikon sa matalik na kaibigan. Sa guwapo ba naman niyang iyon ay binabatuk-batukan lang siya nito? Iba na talaga ang nagagawa ng friendship. Hindi ito ilag o ilang sa kanya.
“Ang bigat ng kamay mo, ha. Subukan mo kayang huwag iangat ’yan?” reklamo niya.
Akmang ibubuka nito ang bibig upang magprotesta, subalit dumating na ang katulong na inutusan nitong magdala ng merienda. Inilapag nito ang dalawang baso ng pineapple juice at dalawang piraso ng cinnamon roll sa mesa.
“Pach, I need your help.”
Nangunot ang noo nito. “Anong tulong?”
“Hindi ko alam kung paano ko ’to sasabihin sa ’yo. I don’t wanna get you involved, kaya lang wala na akong maisip na ibang paraan. Ikaw na lang talaga ang pag-asa ko—”
“Huwag ka nang magdrama, Taba. Hindi bagay sa ’yo. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?”
He exhaled roughly. “Will you marry me?”
“Yes.”

(C) Bookware Publishing Corporation


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Marc Vincent

Short stories about adventure, love, and fantasy.

Tagalog Online Pocketbook

The leading source of online pinoy stories

Diaries of a Romance Writer

I am Autumn Castillo and Dana Rivera of My Special Valentine Philippines Pocketbooks, Bookware Publishing Corporation. These are my musings. A pocket of stories. Good reads.

Sharon Rose

Life May Not Be Beautiful But It Is Interesting

Cassandra Victoria

my thoughts in words ;)

WiP [Work in Progress]

ramblings and random thoughts of a Filipino author

Jaimie_lei

...simply me...

kriss dela roca

contemplations, meditations, deliberations, and reflections of a romance storywriter

Ingrid de la Torre

Romantikang Nobelista

%d bloggers like this: