Online Games

ONLINE GAMES

Isa akong sertipikadong miyembro ng samahang baliw sa Online Games. Nagsimula ako nung 1st year college dahil sa simpleng dahilan na wala akong mapagtambayan sa tuwing bakante ang schedule ko.

Anyway, hayun na, tuloy-tuloy na ang pagtahak ko sa daan ng online gaming. Una ay O2jam lang, tapos lipat ng Ran Online, tapos Audition (na halos paliparin ko ang mouse ng computer pag natatalo ako ng kalaban ko at talagang namamalisbis ang luha sa mga pisngi ko pag kulelat ako sa ranking) Hanggang nakapasok ako sa mundo ng Rohan at nagpaka-super-adik na nga.

Umabot pa ako sa puntong hindi na ako nagla-lunch. Simpleng ice tea worth 10php solve na ako. Ang allowance ko para sa isang araw ay said na said sa pagbili ng time sa computer shop.

Isang beses pa nga’y nangaligkig na ako sa ginaw at inaapoy na ako ng lagnat ay hindi pa rin ako umaalis sa puwesto ko. Hinila na lang talaga ako ng mga kabarkada kong pulos addict din sa online games para umalis at magpahinga na sa bahay. Well, ang kinabagsakan ko naman after nun ay ospital dahil tinamaan na pala ako ng dengue. Lintik naman kasing lamok iyan at dugo ko pa ang natipuhang sipsipin. haha.

Sa Online games kasi para na rin akong may ikalawang mundo. Mundo kung saan kaya kong lumipad, makipaglaban sa mga monsters, magkaroon ng special powers, puwede akong magsummon ng iba’t ibang creatures, etc. Sa online games, puwede kong maabot ang mga bagay na sa imahinasyon ko lang namumugad noon.

Pero dahil may sa nerbiyosa ako at may pagkaduwag din minsan, siyempre pa’y mage o healer ang laging pinipili kong character. Hindi ko na kailangang lapitan ang kalaban para lang magawan ko sila ng damage. hehe.

‘Ge, hanggang dito na lang muna. Ang haba na, eh.🙂 Taa-taa!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Marc Vincent

Short stories about adventure, love, and fantasy.

Tagalog Online Pocketbook

The leading source of online pinoy stories

Diaries of a Romance Writer

I am Autumn Castillo and Dana Rivera of My Special Valentine Philippines Pocketbooks, Bookware Publishing Corporation. These are my musings. A pocket of stories. Good reads.

Sharon Rose

Life May Not Be Beautiful But It Is Interesting

Cassandra Victoria

my thoughts in words ;)

WiP [Work in Progress]

ramblings and random thoughts of a Filipino author

Jaimie_lei

...simply me...

kriss dela roca

contemplations, meditations, deliberations, and reflections of a romance storywriter

Ingrid de la Torre

Romantikang Nobelista

%d bloggers like this: